𝐓𝐈𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐒𝐓𝐎𝐂𝐊 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 May 20, 2025 | TIAONG, QUEZON – Nagpulong ang mga miyembro ng Tiaong Livestock Federation ngayong araw. Dinaluhan ng mga pangulo ng iba’t-ibang samahan ng mga maghahayupan sa bayan ng Tiaong ang special meeting sa Sangguniang Bayan Hall Tiaong, Quezon sa pangunguna ni Pangulong Gigi C. De Villa. Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang gaganaping Araw ng Pamilyang Magsasaka na gaganapin sa May 28 sa Tiaong Convention Center bilang paghahanda sa nalalapit na “Cocolympics” na bahagi ng selebrasyon ng Niyogyugan Festival sa buwan ng Agosto. Pinangunahan ito ni Municipal Agriculturist, Ms. Zenaida V. Amargo kasama si Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC) Chairperson, Mr. Jose G. Parlade. Kasama rin sa mga tinalakay ang mga proyekto ng samahan at mga gagawing plano at aktibidad kung paano ito maisasakatuparan, katatayuan ng bayan ng Tiaong sa African Swine Fever (ASF), mga aktibidad para s...