𝐂𝐎𝐂𝐎𝐋𝐘𝐌𝐏𝐈𝐂𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟓 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐂𝐓 𝐄𝐋𝐈𝐌𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 June 17, 2025 | SAN ANTONIO, QUEZON – Nakiisa ang bayan ng Tiaong sa katatapos lamang na Cocolympics 2025 District Elimination sa bayan ng San Antonio, Quezon para sa mga magsasaka at mangingisda sa ikalawang distrito sa probinsya ng Quezon na magiging kinatawan ng District 2 para sa paghahanda sa Niyogyugan Festival 2025. Nagpakita nang galing, diskarte, at talino ang mga magsasaka at mga kabataang kinatawan ng bayan ng Tiaong. Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga bayan mula sa Lucena City, Sariaya, Candelaria, San Antonio, Dolores, at Tiaong, Quezon. Ang pagtitipon ay pinangunahan ng Quezon Provincial Agriculture Office. Ang aktibidad ay naglalayong itaguyod at ipakilala pa ang kahalagahan ng industriya ng pagniniyugan sa ating lalawigan. Layunin din ng Cocolympics na ipakita ang galing, liksi, at diwang manalo ng mga manlalarong Quezonian. Lubos ang pasasalamat ng Municipal Agriculture Office – FITS Cent...