Rabies Awareness Month! Nakikiisa ang Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso 2024 na may temang “Rabies free na pusa’t-aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino: Alaga ko, Responsibilidad ko!” #RabiesAwarenessMonth #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Posts
Showing posts from February, 2024
- Get link
- X
- Other Apps
Happy National Women’s Month! The Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon joins the celebration of the 2024 National Women’s Month with the sub-theme “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!” Grounded on the objective of transforming culture toward a more equal and inclusive future, it echoes the target outcomes towards transforming gender norms and culture. With “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas,” the 2024 sub-theme calls for a Bagong Pilipinas where women are given equitable opportunities and not hindered by gender biases and discriminatory stereotypes. “Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!,” aims to showcase and harness the full potentials of women and girls in actively engaging in and reaping the benefits of national growth and development. However, achieving this requires an enabling environment free from discriminatory values, stereotypes, beliefs, treatment, and portrayal of women and girls across family, religion, educati
- Get link
- X
- Other Apps
Technical Assistance to Agricultural Studies and Research February 19, 2024 | TIAONG, QUEZON – Bumisita ang mga mag-aaral mula sa Pamantasan ng Lungsod ng San Pablo (PLSP) na kumukuha ng kursong Computer Engineering sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon upang mangalap ng mga impormasyon at kaalaman na makakatulong para makabuo ng isang kagamitan o device na magagamit upang mapadali ang mga gawaing pangsakahan. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
Distribution of 2023 LGU-Funded Projects February 13, 2024 | TIAONG, QUEZON – Mahigit isang-daang magsasaka ang nakatanggap nang tulong pansakahan at pandagdag kabuhayan. Ilan sa mga ipinamahagi ay ang mga abono at mga kagamitang makinarya para sa samahan ng mga magsasaka, vegetable seeds para sa mga maggugulay, bigas at sewing machine para sa samahan ng kababaihan, at feeds para sa mga mangingisda. Patuloy ang lubos na suporta ng pamahalaang bayan ng Tiaong at Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa ating mga magsasaka. Ilan lamang sa mga proyektong inihahanda ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Municipal Mayor Vincent Arjay M. Mea ay ang farm to market road sa ilang barangay sa Tiaong, pagbibigay ng kapital para sa kabuhayan, pagtatayo ng agricultural demo farm, at isang community market. Lahat ng ito ay tulong upang madagdagan pa ang kita at ani ng mga magsasaka. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
Veterinary Medical Mission Magandang araw, mga Ka-Agri! Gaganapin sa darating na araw ng Sabado (Pebrero 10, 2024) sa Brgy. Bukal at Brgy. Lumingon ang isang Veterinary Medical Mission na handog ng Provincial Government of Quezon sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian - Quezon sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon upang mahatiran ng serbisyo ang ating mga kababayan. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
CLARO MAYO RECTO - Champion of Filipino Nationalism Isang pagpupugay para sa isang tapat na politikong Pilipino, statesman, abogado, jurist, manunulat, kolumnista, at makata na buong-pusong ipinagmamalaki ng Bayan ng Tiaong. MALIGAYANG KAARAWAN, SENATOR CLARO MAYO RECTO! Pagbati mula sa Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon. Sources: National Historical Commission of the Philippines: https://nhcp.gov.ph/ Filipino Historian: https://www.facebook.com/historyphils
- Get link
- X
- Other Apps
Municipal Anti-Rabies Vaccination January 2024 | TIAONG, QUEZON – Para sa municipal-wide anti-rabies program ng lokal na pamahalaan ng Tiaong, nagsasagawa rin ang mga kawani ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon nang pagde-deworm at pagtuturok sa mga alagang aso at pusa ng anti-rabies vaccine tuwing araw ng Biyernes mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali. Magtungo lamang sa aming opisina para sa iba pang detalye tungkol sa anti-rabies vaccination. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
Farmers Association Monthly Meeting January 2024 | TIAONG, QUEZON – Mahigit tatlong daang miyembro ng Samahan ng Magsasaka sa iba’t-ibang barangay sa Tiaong ang dumalo sa mga nakatakdang buwanang pagpupulong kasama ang mga Agricultural Extension Workers mula sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon. Ang mga Samahan sa Tiaong ay binubuo ng mga Rice Farmers Association, Corn Farmers Association, High Value Crops Association, Citrus Farmers Association, Federation of Coffee and Cacao Farmers, Livestock Association, at 4H Association. Ilan lamang sa mga napag-usapan ay ang kalagayang pinansyal ng samahan, update sa RSBSA Application, pamimigay ng Enhanced Interventions Monitoring Card (EIMC), at mga requirements para sa TUPAD. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
RCEF Certified Seeds Distribution January 2024 | TIAONG, QUEZON - Patuloy ang suporta ng Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon sa ating mga magsasaka sa kanilang palayan sa pamamagitan nang pamimigay ng mga RCEF Certified Seeds na mula naman sa PhilRice Los BaƱos. Ang layuning ng RCEF Seed Program ay nakatuon sa pamimigay ng certified na binhing palay upang makabawas ng gastusin ng mga magsasaka at mapataas ang kanilang ani. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
Check Distribution for Agricultural Claims January 30, 2024 - TIAONG, QUEZON - Tatlumpu't-dalawang magsasaka mula sa iba't-ibang barangay sa bayan ng Tiaong ang nabigyan ng bayad pinsala sa mga pananim na nasira na dulot ng kalamidad, peste, at mapaminsalang sakit ng halaman na kanilang ini-report sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether