Distribution of 2023 LGU-Funded Projects
February 13, 2024 | TIAONG, QUEZON – Mahigit isang-daang magsasaka ang nakatanggap nang tulong pansakahan at pandagdag kabuhayan. Ilan sa mga ipinamahagi ay ang mga abono at mga kagamitang makinarya para sa samahan ng mga magsasaka, vegetable seeds para sa mga maggugulay, bigas at sewing machine para sa samahan ng kababaihan, at feeds para sa mga mangingisda. Patuloy ang lubos na suporta ng pamahalaang bayan ng Tiaong at Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa ating mga magsasaka.
Ilan lamang sa mga proyektong inihahanda ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Municipal Mayor Vincent Arjay M. Mea ay ang farm to market road sa ilang barangay sa Tiaong, pagbibigay ng kapital para sa kabuhayan, pagtatayo ng agricultural demo farm, at isang community market. Lahat ng ito ay tulong upang madagdagan pa ang kita at ani ng mga magsasaka.
#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether












Comments
Post a Comment