Posts

Showing posts from March, 2024
Image
State of the Barangay Address March 25, 2024 | BRGY. CABAY, TIAONG, QUEZON – Nakiisa ang Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa pagdaraos ng State of the Barangay Address (SOBA) sa Brgy. Cabay, Tiaong, Quezon. Ini-report ni Brgy. Chairperson, Kgg. Marilyn L. Pipit ang kanilang first 100 days accomplishments sa katatapos lamang na SOBA. Ilan sa mga programa ng barangay ay ang edukasyon, kapaligiran, kalusugan, kapayapaan at kaayusan, kababaihan, kabataan, at agrikultura. Nagbigay ng mensahe ang iba’t-ibang kinatawan ng gobyerno kabilang na si Municipal Agriculturist, G. Zenaida V. Amargo. Ibinahagi nya ang ilang programa ng opisina para sa mga magsasaka at ang nalalapit na training para sa Responsible Pet Ownership na gaganapin sa susunod na buwan. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Image
Hitting the Airwaves: Training on Basic and Online Radio Broadcasting March 12-15, 2024 | DA-ATI CALABARZON – Dumalo ang dalawampu’t-limang (25) kinatawan ng iba’t-ibang sektor sa National Government Agencies (NGAs), Farmers’ Information and Technology Services (FITS) Center and Kiosks, State Universities and Colleges (SUCs), at Learning Site for Agriculture (LSA) sa katatapos lamang na Hitting the Airwaves: Training on Basic and Online Radio Broadcasting noong March 12-15, 2024 sa DA-ATI CALABARZON. Layunin ng aktibidad na sanayin ang mga dumalo ukol sa iba’t-ibang kasanayan patungkol sa tamang pamamaraan ng pagbabalita gamit ang radio. Bilang parte ng pagsasanay, sumailalim ang mga dumalo sa labin-limang (15) minutong simulation ng radio at online programing. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether