State of the Barangay Address

March 25, 2024 | BRGY. CABAY, TIAONG, QUEZON – Nakiisa ang Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa pagdaraos ng State of the Barangay Address (SOBA) sa Brgy. Cabay, Tiaong, Quezon.

Ini-report ni Brgy. Chairperson, Kgg. Marilyn L. Pipit ang kanilang first 100 days accomplishments sa katatapos lamang na SOBA. Ilan sa mga programa ng barangay ay ang edukasyon, kapaligiran, kalusugan, kapayapaan at kaayusan, kababaihan, kabataan, at agrikultura.

Nagbigay ng mensahe ang iba’t-ibang kinatawan ng gobyerno kabilang na si Municipal Agriculturist, G. Zenaida V. Amargo. Ibinahagi nya ang ilang programa ng opisina para sa mga magsasaka at ang nalalapit na training para sa Responsible Pet Ownership na gaganapin sa susunod na buwan.

#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether









Comments

Popular posts from this blog