Awarding of Farm Machineries

April 29, 2024 | TIAONG, QUEZON – Pinagkalooban ang Tiaong Rice Federation, San Isidro Farmers Association, at Lalig Farmers Association ng tatlong makinaryang pangsakahan mula sa Department of Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PhilMech) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Tiaong, Quezon.

Bahagi ang pagkakaloob ng mga makinarya sa pondo na mula sa Rice Tariffication Law ng ahensya. Nangako naman ang mga kinatawan ng bawat samahan na kanilang iingatan ang mga makinarya na nakasaad sa Memorandum of Agreement na kanilang nilagdaan.

Nagbigay nang kanilang mga mensahe sina Mr. Jeric Macariola mula sa DA – Agricultural Program Coordinating Office (APCO) Quezon at Engr. Niño Bengosta mula sa DA-PhilMech. Nagpasalamat naman si Municipal Agriculturist, Ms. Zenaida V. Amargo para sa patuloy na tulong pang-agrikultural mula sa local, regional, at national na ahensya.

Nagpaabot nang patuloy na suporta ang lokal na pamahalaan ng Tiaong, Quezon sa pangunguna ni Mayor Vincent Arjay M. Mea para sa ikatataas ng ani at ikauunlad ng buhay ng mga magsasaka kasama ang Sangguniang Bayan members sa pangunguna ni Vice Mayor Roderick A. Umali.

#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether




















Comments

Popular posts from this blog