𝐀𝐆𝐑𝐈-𝐓𝐎𝐔𝐑𝐈𝐒𝐌 𝐓𝐑𝐀𝐃𝐄 𝐅𝐀𝐈𝐑 June 17, 2024 | TIAONG, QUEZON - Isa sa mga inaabangang aktibidad para sa pagbubukas ng BAYANiJUAN Festival ay ang Agri-Tourism Trade Fair na handog ng Local Government Unit of Tiaong, Quezon sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon. Magsisimula bukas ang trade fair sa ganap na alas 8:00am sa Festival Bazaar. Maaaring makabili ng mga produktong proud na gawang Tiaong mula sa iba't-ibang hanay ng sektor ng agrikultura at pribadong samahan. #BAYANiJUANFestival #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether