𝐒𝐄𝐌𝐈𝐍𝐀𝐑 𝐎𝐍 𝐒𝐖𝐈𝐍𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓

May 24, 2024 | TIAONG, QUEZON – Dinaluhan ng mga miyembro ng Behia Lucky Pig Association ang Seminar on Swine Production and Management noong ika-24 ng Mayo sa Bagnos Learning Site, Brgy. Behia, Tiaong, Quezon.

Layunin ng pagsasanay na mapataas pa ang antas ng kaalaman ng mga miyembro upang maging matagumpay ang proyekto nila sa pag-aalaga ng baboy.

Nagsilbing tagapagsanay sina Ms. Marjorie L. Sepina mula sa DA-QARES, Mr. Jose Parlade ang Municipal Agricultural Fishery Council Chairman, Mr. Gideon M. Sales ng Office of the Provincial Veterinarian, at si Ms. Zenaida V. Amargo – Municipal Agriculturist para sa iba’t-ibang paksa patungkol sa tama at wastong pangangalaga ng baboy. Nagbigay din nang kaalaman at ilang souvenirs ang representative mula sa Pigrolac Company.

Nagbigay naman ng kanilang mga mensahe sina Brgy. Captain Marivic Latoza at ang Konsehal-takda sa agrikultura, Hon. Jonas Bryson R. Atienza.

#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether







Comments

Popular posts from this blog