𝐊𝐀𝐁𝐔𝐓𝐄 𝐀𝐓 𝐏𝐔𝐊𝐘𝐔𝐓𝐀𝐍: 𝐀 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐋𝐈𝐇𝐎𝐎𝐃 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐅𝐎𝐑 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑 𝐀𝐒𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐈𝐍 𝐓𝐈𝐀𝐎𝐍𝐆, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍
November 26, 2024 | TIAONG, QUEZON – Sa tuloy-tuloy na pagtutulungan ng Southern Luzon State University – Tiaong Campus at Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon, naisakatuparan ang proyektong Kabute at Pukyutan: A Livelihood Program for Farmer Associations na pinondohan ng SLSU – Tiaong upang mas lubos pang makapagbigay ng karagdagang pagkakakitaan sa mga samahan ng kababaihan sa Tiaong, Quezon. Bahagi ng proyekto ang pagsasanay sa produksyon ng kabute at stingless bee.
Nagsilbing tagapagsanay si Ms. Rhona M. Lorena, Agricultural Technologist mula sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa pagpatubo ng oyster mushroom, habang ang produksyon ng stingless bee ay tinalakay naman ni Mr. Roy S. Dayo, Instructor ng SLSU – Tiaong Campus at Apiculture Project Leader. Ibinahagi rin ni Ms. Alma J. Caringal, SLSU – Tiaong Campus Director, ang kahalagahan ng kabute at ang iba’t-ibang produktong maaaring gawin mula rito.
Nauna nang isinagawa ang pagsasanay noong Setyembre 5, 2024, para sa mga kababaihan ng Brgy. San Francisco. Kasunod ang pamamahagi ng isang libong (1,000) fully ramified fruiting bags at sampung (10) kolonya ng stingless bee. Nito lamang Nobyembre 26, 2024, muling isinagawa ang pagsasanay para sa kababaihan ng Brgy. Paiisa at mga miyembro ng 4Ps, na dinaluhan ng 34 na indibidwal.
#SLSUTiaongCampus #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Comments
Post a Comment