November 4, 2024 | TIAONG, QUEZON
– Ikinagalak ng mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) mula sa Brgy. San
Francisco at Paiisa ang ginanap na hands-on demonstration sa pagtatanim ng
tissue ng kabute gamit ang iba't-ibang media at teknolohiya sa pagpaparami nito.
Pinangunahan ni Ms. Rhona M. Lorena mula sa Municipal Agriculture Office – FITS
Center Tiaong, Quezon ang pagsasanay.
Tinalakay naman ni Ms. Alma J. Caringal,
SLSU – Tiaong Campus Director ang kahalagahan ng tamang packaging at labeling
ng mga produkto. Isa sa mga naging halimbawa ay ang mushroom chili oil na ipinagmamalaki
ng unibersidad bilang isang lokal na produkto.
Matapos nito, binisita ng grupo
ang mushroom growing house ni Mr. Edwin Baladad, isang kilalang mushroom grower
sa Sariaya, Quezon. Sa pamamagitan nang pagbabahagi nya ng kanyang karanasan sa
larangan ng kabutehan, mas natuto pa ang mga kalahok tungkol sa makabagong
teknolohiya at pamamaraan sa pagpaparami nito.
Comments
Post a Comment