𝐅𝐀𝐑𝐌 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐈𝐍 𝐑𝐈𝐂𝐄

October 18, 2024 – present | TIAONG, QUEZON – Matagumpay na inilunsad ang Farm Business School in Rice sa Municipal Town Plaza na dinaluhan ng mga pangulo, sekretarya, at ingat-yaman mula sa 21 asosasyon ng mga magpapalay sa Tiaong, Quezon.

Isa sa mga panauhin ay si OIC-Chief, Mr. Jan Oliver M. Sarmiento mula sa Agricultural Program Coordinating Officer (APCO-Quezon) kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Pambayan (Hon. Jonas Bryson R. Atienza – Konsehal Takda sa Agrikultura, Hon. Maja Escueta, at Hon. Tom P. Ilao).

Nagbahagi ng mahahalagang mensahe ang mga panauhin at isinagawa rin ang iba't-ibang aktibidad upang maunawaan ang damdamin ng mga kalahok. Kasama rito ang isang pre-test para masuri ang kaalaman ng mga magsasaka. Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka upang maging mas epektibo at handa sa mga hamon ng makabagong agrikultura partikular sa pagsasaka ng palay.

Katuwang sa pagsasanay ang mga technical staff mula sa Office of the Provincial Agriculturist – Quezon Province na magsisilbing mga tagapagsanay. Ang pagsasanay ay binubuo ng 6 na modules na may 25 sessions na gaganapin tuwing Biyernes, ala-una ng hapon.

#FarmBusinessSchool #FBSinRice #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether




























Comments

Popular posts from this blog