Posts

Showing posts from December, 2024
Image
𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐅𝐄𝐑𝐓𝐈𝐋𝐈𝐙𝐄𝐑 𝐃𝐈𝐒𝐂𝐎𝐔𝐍𝐓 𝐕𝐎𝐔𝐂𝐇𝐄𝐑 December 5, 2024 | TIAONG, QUEZON – Ginanap ang pamamahagi ng Fertilizer Discount Voucher sa 330 na magsasaka sa bayan ng Tiaong. Ilan lamang sila sa higit 800 na magsasaka na makakatanggap ng discount vouchers para sa dry season. Ang pamamahagi ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon na dinaluhan nina Kon. Jonas Bryson Atienza, Kon. Tom Ilao, Kon. Recrec Baldeo, Kon. Maja Escueta, Kon. Eula Lopez at Kon. Rex Bautista. Ang mga benepisyaryo nang pamamahagi ay mga rehistradong magsasaka sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA). Upang makatanggap ng mga tulong pang-agrikultura mula sa Department of Agriculture, ang lahat ng mga magsasaka ay hinihikayat na magparehistro sa opisina. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Image
𝐌𝐎𝐍𝐈𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 & 𝐄𝐕𝐀𝐋𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐅𝐈𝐓𝐒 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐈𝐀𝐎𝐍𝐆, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 December 5, 2024 | TIAONG, QUEZON – Dumalaw ang mga kinatawan ng Southern Luzon State University (SLSU) - Office of Extension Services sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon para sa isinagawang monitoring and evaluation ng mga FITS Centers sa buong lalawigan. Layunin nang nasabing aktibidad na kumustahin ang takbo at ang mga gawain sa FITS Center na ipinatutupad sa bawat bayan para makatulong sa mga magsasaka at mangingisda. Kasabay nito, napag-usapan din ang mga gawain ng Magsasakang Siyentista (MS) at mga posibleng mapadagdag na MS sa bayan na aktibo sa larangan ng agrikultura, mga ginanap na Information and Technology Services sa ilalim ng Techno Gabay Program. Tinalakay din ang mga posibleng programa ng TGP para sa susunod na taon. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Image
𝐏𝐂𝐈𝐂 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐌𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 December 11, 2024 | TIAONG, QUEZON – Nagkakahalagang ₱2,466,315.40 indemnity checks ang ipinamahagi sa 193 na magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 4 Extension Office – Lucena City. Ito ay bayad pinsala para sa mga pananim na nasira dulot ng mga nagdaang kalamidad at pagkamatay ng mga alagang baboy na dulot ng African Swine Fever (ASF). Layunin ng programang ito na mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka para matiyak ang sapat at angkop na suporta sa panahon ng kanilang pangangailangan tungo sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at pagtaas ng kita.   #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Image
𝐏𝐈𝐆 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟒 November 28, 2024 | TIAONG, QUEZON – Mahigit 450 backyard hog raisers ang dumalo sa kauna-unahang Pig Summit sa Municipal Town Plaza sa Tiaong, Quezon. Dumalo sa nasabing pagtitipon ang mga kinatawan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Roderick A. Umali, Hon. Tomas P. Ilao, Hon. Recrec B. Baldeo, at Hon. Maja Escueta. Bilang kinatawan ng komitiba ng agrikultura, nagbigay ng mensahe si Hon. Jonas Bryson R. Atienza para sa ating mga hog raisers. Nagbahagi naman ng mga kaalaman patungkol sa iba’t-ibang paksa tungkol sa pagbababuyan sina Dra. Mary Ruth Ramos-Callanta mula sa International Training Center on Pig Husbandry (ATI-ITCPH), Dra. Flomella A. Caguicla at Dr. Adelberto H. Ambrocio mula sa Office of the Provincial Veterinarian – Quezon Province, at Ms. Lani M. Limbo mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Tiaong. Kasama rin sa mga bisita sina Ms. Aljane Mharu E. Oabel mula sa PCIC 4A-EO Lucena City, Dra. Hazen T...