𝐌𝐎𝐍𝐈𝐓𝐎𝐑𝐈𝐍𝐆 & 𝐄𝐕𝐀𝐋𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐅𝐈𝐓𝐒 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐈𝐀𝐎𝐍𝐆, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍
December 5, 2024 | TIAONG, QUEZON – Dumalaw ang mga kinatawan ng Southern Luzon State University (SLSU) - Office of Extension Services sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon para sa isinagawang monitoring and evaluation ng mga FITS Centers sa buong lalawigan. Layunin nang nasabing aktibidad na kumustahin ang takbo at ang mga gawain sa FITS Center na ipinatutupad sa bawat bayan para makatulong sa mga magsasaka at mangingisda.
Kasabay nito, napag-usapan din ang mga gawain ng Magsasakang Siyentista (MS) at mga posibleng mapadagdag na MS sa bayan na aktibo sa larangan ng agrikultura, mga ginanap na Information and Technology Services sa ilalim ng Techno Gabay Program. Tinalakay din ang mga posibleng programa ng TGP para sa susunod na taon.
#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether




Comments
Post a Comment