𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑𝐒 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐍 𝐒𝐑𝐈 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 & 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐒-𝐎𝐍 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐍 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐂𝐀𝐋𝐋𝐘-𝐆𝐑𝐎𝐖𝐍 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍

February 18-19, 2025 | TIAONG, QUEZON – Dinaluhan ng mahigit tatlumpong magsasaka sa bayan ng Tiaong ang katatapos lamang na Farmers Orientation on System of Rice Intensification (SRI) Program at Hands-on Training on Organically-Grown Rice Production sa pangunguna ng mga kawani mula sa Rice Watch Action Network (R1), SRI Pilipinas, sa pakikipagtulungan ng DA-CALABARZON, sa direktiba ni Municipal Mayor Vincent Arjay M. Mea at sa pakikiisa ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon.

Layunin ng programa na mapataas ang kita at ani ng mga magsasaka habang nililimitahan ang epekto ng mga kemikal na pestisidyo at pataba sa kapaligiran, mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka at kawani ng lokal na pamahalaan tungkol sa programa, makatulong sa tamang paggamit ng patubig sa palayan, at makapagbigay kaalaman sa pagtatanim ng ligtas na pagkain sa organikong pamamaraan.

Nagbigay ng kanyang mensahe ng suporta si MAO Zenaida V. Amargo at mainit na pagtanggap para sa mga panauhin sa pagsasanay. Naging tagapagtalakay naman sina G. Aeron Josh Abon at G. Gary Perlado mula sa R1, G. Gregorio Garde mula sa SRI Pilipinas, at si G. Jefferson Balasbas mula sa MAO-Tiaong.

Tinalakay din sa nasabing pagsasanay ang mga maaaring matanggap na suporta ng mga magsasakang magsisimulang magtanim sa pamamagitan ng SRI. Nagtanim naman ng black rice ang mga nagsanay bilang parte ng hands-on training. Kasabay nito, nagbuo rin ng isang samahan ang mga magsasaka sa bayan ng Tiaong na nakatuon sa pagpapataas ng kita at ani sa tulong ng makabagong programa.

Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Tiaong, Quezon sa pangunguna ni Municipal Mayor Vincent Arjay M. Mea, Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Municipal Vice Mayor Roderick A. Umali, Committee on Agriculture Coun. Jonas Bryson R. Atienza, at ang Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa Rice Watch Action Network (R1), SRI Pilipinas, DA-CALABARZON, at Bagnos Learning Site sa walang sawa nilang suporta sa mga magsasaka mula sa bayan ng Tiaong.

#SystemofRiceIntensification #SRIProgram #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether






















Comments

Popular posts from this blog