𝟐𝐍𝐃 𝐏𝐈𝐆 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟓 November 27, 2025 | TIAONG, QUEZON – Matagumpay na idinaos noong November 27, 2025 sa Tiaong Town Plaza ang ikalawang taon ng Pig Summit. Mahigit limandaang backyard hog raisers ang dumalo at nakiisa sa nasabing programa sa direktiba ng Lokal na Pamahalaan ng Tiaong, Quezon sa pangunguna ni Mayor Vincent Arjay M. Mea sa pakikipagtulangan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon, Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC) Tiaong, Quezon, at Tiaong Livestock Federation. Layunin ng programa na mapalawig pa ang kaalaman ng mga backyard hog raisers at mapag-usapan ang industriya ng pagbababuyan sa buong bayan ng Tiaong at maglatag ng mga programang naaangkop para mapataas pa ang produksyon ng karne ng baboy at mapalaki ang kita ng mga backyard hog raisers. Naging tagapagtalakay naman sa programa sina Assistant Center Director – Ms. Amy G. Eguia mula sa Department of Agriculture – Agricultural Training Institute – Intern...