𝟐𝐍𝐃 𝐏𝐈𝐆 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐈𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟓

November 27, 2025 | TIAONG, QUEZON – Matagumpay na idinaos noong November 27, 2025 sa Tiaong Town Plaza ang ikalawang taon ng Pig Summit. Mahigit limandaang backyard hog raisers ang dumalo at nakiisa sa nasabing programa sa direktiba ng Lokal na Pamahalaan ng Tiaong, Quezon sa pangunguna ni Mayor Vincent Arjay M. Mea sa pakikipagtulangan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon, Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC) Tiaong, Quezon, at Tiaong Livestock Federation.

Layunin ng programa na mapalawig pa ang kaalaman ng mga backyard hog raisers at mapag-usapan ang industriya ng pagbababuyan sa buong bayan ng Tiaong at maglatag ng mga programang naaangkop para mapataas pa ang produksyon ng karne ng baboy at mapalaki ang kita ng mga backyard hog raisers.

Naging tagapagtalakay naman sa programa sina Assistant Center Director – Ms. Amy G. Eguia mula sa Department of Agriculture – Agricultural Training Institute – International Training Center on Pig Husbandry (DA ATI-ITCPH), Science Research Specialist – Ms. Lou Denisse-Marie S. Magadia mula sa Department of Agriculture – Quezon Agricultural Research and Experiment Station (DA-QARES), AVDTech Manager – Mr. Jose R. Nicolasora, Ms. Aljane Mharu E. Oabel mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) – Lucena, at Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) – Ms. Lani M. Limbo.

Kaalinsabay nito, inilunsad din ang Lechon Cooking Contest na naging tampok ng programa kung saan naglaban-laban ang anim na cluster mula sa iba’t-ibang livestock association sa bayan ng Tiaong. Layunin nito na makilala ang masarap na lasa ng letson na gawa sa bayan ng Tiaong at maibenta ito sa mga kalapit na bayan. Tumayong mga hurado sa nasabing paligsahan sina Dr. Hazen C. Tono, DVM mula sa Department of Agriculture Bureau of Animal Industry – National Swine and Poultry Research and Development Center (DA BAI-NSPRDC), Ms. Jennifer Lindo-Cusi, Municipal Agriculturist mula sa bayan ng San Antonio, Quezon, at Assistant Center Director – Ms. Amy G. Eguia mula sa DA ATI-ITCPH.

Nakamit ng Cluster 6 (Brgy. Behia, Bula, at San Francisco) ang unang puwesto sa pasarapan ng letson, habang ang Cluster 4 (Brgy. Bukal, San Isidro, at San Jose) ang nagkamit ng ikalawang pwesto at ang Cluster 1 mula sa Brgy. Lagalag, Tagbakin, at Tamisian naman ang nakakuha ng ikatlong pwesto. Tumanggap naman ng consolation prizes ang Cluster 2 (Del Rosario, Paiisa, at San Juan), Cluster 3 (Bulakin, Lusacan, at San Pedro), Cluster 5 (Cabatang, Cabay, at Palagaran).

Nagbigay din ng nagkakahalagang Php100,000.00 si Mayor Vincent Arjay M. Mea bilang raffle prizes para sa mga nagsidalo sa pagtitipon. Lubos namang nagpapasalamat ang Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa DA BAI – NSPRDC sa pagkakaloob ng anim na native pigs na siyang ginawang lechon ng iba’t-ibang clusters.

Ang programang ito ay hindi magiging matagumpay kung wala ang mga sumusunod na sponsors na nagkaloob ng kanilang kakayahan para maisagawa ang programa:

-          Easy Bio Philippines, Inc.

-          3J Corporation

-          Mr. Jose B. Lalunio

-          Castorama Hardware and Construction Supply

-          Luntian Multi-Purpose Cooperative

-          Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC)

-          Mr. Efren and Ms. Mila Atienza

-          Hon. Maja Escueta-Landicho

-          Cial 88 Agri Supply

-          Pigrolac Premium Hog Feeds

#PigSummit #PigSummit2025 #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether

























Comments

Popular posts from this blog