Posts

Showing posts from January, 2026
Image
𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 January 8, 2026 | TIAONG, QUEZON – Ginanap noong Huwebes ang mass anti-rabies vaccination sa Brgy. San Jose, Tiaong, Quezon. Mahigit 200 pet owners ang nakiisa sa aktibidad na ito kung saan 369 na alagang aso't pusa ang naturukan laban sa rabies. Layunin ng gawaing ito na maturukan ang lahat ng alagang aso’t pusa sa buong bayan ng Tiaong upang maiwasan ang paglaganap ng rabies. Ang gawaing ito ay sa direktiba ng Local Government Unit ng Tiaong sa pangunguna ni Mayor Vincent Arjay M. Mea sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon. Nagpapasalamat ang MAO Tiaong sa buong Sangguniang Barangay ng San Jose na nakiisa sa aming adhikain na mabawasan ang paglaganap ng rabies sa ating bayan. #AntiRabiesVaccination #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether