𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒
𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
January 8, 2026 | TIAONG, QUEZON
– Ginanap noong Huwebes ang mass anti-rabies vaccination sa Brgy.
San Jose, Tiaong, Quezon. Mahigit 200 pet owners ang nakiisa sa aktibidad na
ito kung saan 369 na alagang aso't pusa ang naturukan laban sa rabies.
Layunin ng gawaing ito na maturukan ang
lahat ng alagang aso’t pusa sa buong bayan ng Tiaong upang maiwasan ang
paglaganap ng rabies. Ang gawaing ito ay sa direktiba ng Local Government Unit
ng Tiaong sa pangunguna ni Mayor Vincent Arjay M. Mea sa pamamagitan ng
Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon.
Nagpapasalamat ang MAO Tiaong sa buong
Sangguniang Barangay ng San Jose na nakiisa sa aming adhikain na mabawasan ang
paglaganap ng rabies sa ating bayan.

















Comments
Post a Comment