Launching of Farmers Marketing Extension Alley (farMEA) April 25, 2024 | TIAONG, QUEZON – Umarangkada na ang programa para sa pagmemerkado ng mga tanim na gulay at iba pang produktong agrikultural sa Tiaong, Quezon. Nagtipon nitong nakaraang Linggo ang iba’t-ibang kinatawan ng asosasyon ng mga magsasaka para sa paglulunsad ng Farmers Marketing Extension Alley o farMEA kasama si Vice Mayor Roderick A. Umali at mga tekniko mula sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon. Layunin ng programa na makapagdala ng mga gulay at produkto ng mga magsasaka sa direktang bagsakan nang kalakalan sa Tiaong New Public Market para madagdagan ang kanilang kita. Ang mga nasabing gulay ay may direktang mamimili bago pa dalhin sa palengke sa pakikipag-ugnayan sa mga farmer leaders. Ang schedule nang iba pang produkto sa pagbebenta ay tuwing Martes at Huwebes, simula 2:30am nang umaga until supplies last. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Posts
Showing posts from April, 2024
- Get link
- X
- Other Apps
Sensory Evaluation of Irrigated Inbred Rice Varieties April 19, 2024 | TIAONG, QUEZON – Ginanap sa Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon ang Sensory Evaluation of Irrigated Inbred Rice Varieties na dinaluhan ng mga magsasaka ng palay. Ang programa ay pinangunahan ng Department of Agriculture – Research Division – LARES, Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), International Rice Research Institute (IRRI), Office of the Provincial Agriculturist – Quezon, at Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon. Layunin ng programa na maging mabilis ang pagpapakilala at pag-adopt sa iba’t-ibang irrigated inbred rice varieties. Base sa ginawang sensory evaluation, nanguna ang NSIC Rc626 na sinundan naman ng NSIC Rc636 base sa lasa, aroma, moistness, at stickiness ng mga sampol na kanin. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
Price Monitoring of Agricultural and Fishery Products April 30, 2024 | TIAONG, QUEZON – Nagsagawa ng regular na pagbabantay presyo ng mga pangunahing agri-fishery products ang Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon alinsunod sa program ng Department of Agriculture – Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA-AMAD) na Bantay Presyo Monitoring System. Layunin nang gawaing ito na mabantayan ang presyo at mabigyan nang sapat na kaalaman ang mga mamimili. Naglalayon din ito na malaman kung sapat ba ang supply ng mga produkto sa pamilihan. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
Awarding of Farm Machineries April 29, 2024 | TIAONG, QUEZON – Pinagkalooban ang Tiaong Rice Federation, San Isidro Farmers Association, at Lalig Farmers Association ng tatlong makinaryang pangsakahan mula sa Department of Agriculture – Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (DA-PhilMech) sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Tiaong, Quezon. Bahagi ang pagkakaloob ng mga makinarya sa pondo na mula sa Rice Tariffication Law ng ahensya. Nangako naman ang mga kinatawan ng bawat samahan na kanilang iingatan ang mga makinarya na nakasaad sa Memorandum of Agreement na kanilang nilagdaan. Nagbigay nang kanilang mga mensahe sina Mr. Jeric Macariola mula sa DA – Agricultural Program Coordinating Office (APCO) Quezon at Engr. Niño Bengosta mula sa DA-PhilMech. Nagpasalamat naman si Municipal Agriculturist, Ms. Zenaida V. Amargo para sa patuloy na tulong pang-agrikultural mula sa local, regional, at national na ahensya. Nagpaabot nang patuloy na suporta a
- Get link
- X
- Other Apps
General Assembly of Tiaong RiceBIS Communities and Selected Site Working Group Members April 19, 2024 | TIAONG, QUEZON – Bumisita ang mga kinatawan ng Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice), Agricultural Credit Policy Council (ACPC), National Irrigation Administration (NIA), at National Food Authority (NFA) upang magbahagi ng mga updates tungkol sa mga aktibidad na gagawin para sa pangkabuhayang may kinalaman sa agrikultura. Bahagi ito ng huling yugto nang pagtatala para sa PhilGAP Certification sa mga magsasaka na benepisyaryo ng RiceBIS Program ng nasabing ahensya. Ang RiceBIS Program ay naglalayong mapaunlad ang mga magpapalay sa pamamagitan ng pagpapataas ng kanilang kita hanggang 25%. Layunin din nito na mapatibay pa ang ‘partnership’ sa mga samahan at mabigyan ng panibagong kaalaman ang mga magsasaka mula sa produksyon hanggang sa pagmemerkado ng kanilang produkto. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStronger
- Get link
- X
- Other Apps
Adopt-A-Tree Program April 17 & 19, 2024 | TIAONG, QUEZON – Nakilahok ang mga tekniko mula sa Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon sa programa ng Tiaong Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) na Adopt-A-Tree Program sa pamamagitan nang pangangalaga sa mga punong nakapalibot sa Tikub Lake sa Brgy. Ayusan I, Tiaong, Quezon. Layunin ng programa na mapanatili ang kagandahan, kalinisan, at kaayusan ng paligid ng nasabing lawa at masiguradong mabuhay ang mga halaman sa paligid nito. Tinatayang nasa 49 na puno ang nasa ilalim nang pangangalaga ng Pambayang Pagsasaka na nakatanim sa 400 metro layo mula sa Tikub Lake. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
TUPAD Payout April 18, 2024 | TIAONG, QUEZON – Matagumpay na isinagawa ang TUPAD payout para sa 444 na magsasaka ng palay mula sa 18 barangay ng bayan ng Tiaong. Ang TUPAD o Tulong Panghanapbuhay Sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers ay isang programa ng gobyerno na naglalayong magbigay ng temporary na trabaho at tulong pinansyal sa mga manggagawa katulad ng ating mga magsasaka. Sa pamamagitan nang pagbibigay ng tulong pinansyal, magkakaroon sila ng karagdagang kapital na maaari nilang gamitin upang mapataas ang kanilang kita at makapag-ambag sa pambansang suplay ng bigas. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
- Get link
- X
- Other Apps
Techno Demo Use of Drones in Rice Production April 17, 2024 | IRRI HQ, LOS BAÑOS, LAGUNA – Dumalo ang mga magsasaka mula sa Tiaong, Quezon sa pangunguna ng Tiaong Rice Federation at mga farmer leaders ng iba’t-ibang asosasyon ng palay sa Techno Demo Use of Drones in Rice Production na pinangunahan ng IRRI Los Baños, Laguna. Layunin ng aktibidad na ipakilala ang makabagong teknolohiya para sa pagtaas ng ani, pagpapababa ng labor cost sa palayan, at para mapabilis ang proseso ng pamamahala. Bahagi ang nasabing aktibidad nang 2 araw na inception workshop para sa mga magsasaka. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether