Launching of Farmers Marketing Extension Alley (farMEA)

April 25, 2024 | TIAONG, QUEZON – Umarangkada na ang programa para sa pagmemerkado ng mga tanim na gulay at iba pang produktong agrikultural sa Tiaong, Quezon.

Nagtipon nitong nakaraang Linggo ang iba’t-ibang kinatawan ng asosasyon ng mga magsasaka para sa paglulunsad ng Farmers Marketing Extension Alley o farMEA kasama si Vice Mayor Roderick A. Umali at mga tekniko mula sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon. Layunin ng programa na makapagdala ng mga gulay at produkto ng mga magsasaka sa direktang bagsakan nang kalakalan sa Tiaong New Public Market para madagdagan ang kanilang kita.

Ang mga nasabing gulay ay may direktang mamimili bago pa dalhin sa palengke sa pakikipag-ugnayan sa mga farmer leaders. Ang schedule nang iba pang produkto sa pagbebenta ay tuwing Martes at Huwebes, simula 2:30am nang umaga until supplies last.

#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether







Comments

Popular posts from this blog