Training on Major Pests of Corn
April 18-19, 2024 | LIPA CITY, BATANGAS – Isinagawa ang dalawang araw na pagsasanay para sa 40 na iba’t-ibang kinatawan ng panlalawigan at pambayang tekniko ng mais sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA) – Regional Crop Protection Center (RCPC) CALABARZON sa pakikipag-ugnayan sa Regional Corn Banner Program at Regional Integrated Pest Management (IPM) Task Force.
Tinalakay ng mga eksperto mula sa nasabing ahensya ang mga pangunahing peste at sakit ng mais at kung paano ito papamahalaan. Binigyan din ng dagdag kaalaman ang mga tekniko para sa pagtukoy ng mga peste at sakit sa maisan para sa pagmo-monitor ng mga ito.
Nagbigay naman ng kanyang mensahe si OIC-Regional Executive Director Fidel Libao para sa patuloy na suporta sa programa upang lubos na mabigyan ng tulong ang mga magsasaka sa rehiyon CALABARZON.
#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether








Comments
Post a Comment