𝐌𝐀𝐅𝐂 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆
January 20, 2025 | TIAONG, QUEZON – Ginanap ang unang pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Agricultural and Fishery Council o MAFC nito lamang Lunes. Napag-usapan ang mga naging proyekto at programa para sa bawat commodity ng mga magsasaka sa bayan ng Tiaong noong nakaraang taon.
Inilatag sa pagpupulong ang mga gampanin ng bawat miyembro para sa ikauunlad nang pagsasaka sa bayan ng Tiaong. Dinaluhan ang pagpupulong ng mga pangulo ng farmers association sa pangunguna ni MAFC Chairperson Jose G. Parlade at Municipal Councilor, Committee on Agriculture Hon. Jonas Bryson R. Atienza.
#MAFCMeeting
#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad
#LetsMakeTiaongStrongerTogether




Comments
Post a Comment