𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐈𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒

January 22, 2025 | TIAONG, QUEZON – Mahigit isang milyong (1M) pisong halaga ng mga proyekto ang naipaabot sa mahigit 300 magsasaka sa bayan ng Tiaong nitong nakaraang Linggo. Ang pamimigay ng mga kagamitan sa sakahan tulad ng binhi, abono, pataba, at ilang gamit para sa cassava food processing at bigas ay dinaluhan ng mga konsehal ng bayan sa pangunguna ni Hon. Jonas Bryson R. Atienza, Hon. Maja Escueta, at Hon. Tom P. Ilao. Kasama rin si Municipal Executive Assistant, Sir Diego Mea sa nasabing distribution.

Sa kasabay na programa, ipinakilala rin ang mga benepisyaryo ng Adopt-A-Farmer Program sa buong bayan na inisyatibo ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa pakikipagtulungan ng opisina ni Mayor Vincent Arjay M. Mea, Vice Mayor Roderick A. Umali at ng Sangguniang Bayan. Nabigyan sila ng mga karagdagang abono, pataba, at iba pang kagamitan sa pagsasaka.

Layunin ng programa na mabigyang halaga ang ambag ng mga magsasaka sa ating ekonomiya at mabawasan ang kanilang kagastusan sa sakahan upang mapataas ang kanilang kita at antas ng pamumuhay. 

#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether



















Comments

Popular posts from this blog