𝐏𝐂𝐈𝐂
𝐈𝐍𝐃𝐄𝐌𝐍𝐈𝐓𝐘
𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍
January 30, 2025 | TIAONG, QUEZON – Nagkakahalagang ₱1,093,336.64 indemnity checks ang ipinamahagi sa 106 na magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 4 Extension Office (EO) – Lucena City. Ito ay bayad pinsala para sa mga pananim na nasira dulot ng mga nagdaang kalamidad at pagkamatay ng mga alagang baboy na dulot ng African Swine Fever (ASF) at iba pang mga sakit.
Ang programa ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa ilalim ng direktiba ni Mayor Vincent Arjay M. Mea. Ito ay pormal na dinaluhan ni Vice Mayor Roderick A. Umali, Hon. Jonas Bryson R. Atienza, Kon. Maja Escueta, Kon. Eula P. Lopez, at SK Federation President, Hon. Kenneth Obispo. Nagbigay rin ng kanyang mensahe at paalaala sa mga nagpapaseguro si Ms. Aljane Mharu E. Oabel mula sa PCIC Region 4 EO – Lucena City.
Layunin ng programang ito na mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka para matiyak ang sapat at angkop na suporta sa panahon ng kanilang pangangailangan tungo sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at pagtaas ng kita.
#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether












Comments
Post a Comment