𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑𝐒 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐍 𝐒𝐑𝐈 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 & 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐒-𝐎𝐍 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐍 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐂𝐀𝐋𝐋𝐘-𝐆𝐑𝐎𝐖𝐍 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 February 18-19, 2025 | TIAONG, QUEZON – Dinaluhan ng mahigit tatlumpong magsasaka sa bayan ng Tiaong ang katatapos lamang na Farmers Orientation on System of Rice Intensification (SRI) Program at Hands-on Training on Organically-Grown Rice Production sa pangunguna ng mga kawani mula sa Rice Watch Action Network (R1), SRI Pilipinas, sa pakikipagtulungan ng DA-CALABARZON, sa direktiba ni Municipal Mayor Vincent Arjay M. Mea at sa pakikiisa ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon. Layunin ng programa na mapataas ang kita at ani ng mga magsasaka habang nililimitahan ang epekto ng mga kemikal na pestisidyo at pataba sa kapaligiran, mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka at kawani ng lokal na pamahalaan tungkol sa programa, makatulong sa tamang paggamit ng patubig sa palayan, at makapagbigay kaal...