𝐓𝐈𝐀𝐎𝐍𝐆
𝐂𝐎𝐂𝐎𝐍𝐔𝐓 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑𝐒
𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆
January 31, 2025 | TIAONG, QUEZON – Nagpulong nitong nakaraang linggo ang mga miyembro ng Tiaong Coconut Farmers Federation. Dinaluhan ito ng mga pangulo ng bawat coconut farmers association sa buong bayan ng Tiaong, Quezon at ni Municipal Agricultural and Fishery Council (MAFC) Chairperson, Mr. Jose Parlade.
Nagbigay paliwanag sina Mr. Kevin Retrita at Mr. Teodulo Ilao mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) upang mapalawig pa ang kaalaman patungkol sa mga programa ng kanilang tanggapan sa ilalim ng Coconut Farmers Industrial Development Program (CFIDP) at ilang proyekto para sa mga magsasaka. Layunin nang pagpupulong na pagplanuhan ang iba’t-ibang programa ngayong taon para sa mga lokal na magniniyog na magmumula naman sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno. Ang buong pagpupulong naman ay pinadaloy ni Municipal Coconut Focal Person, Mr. Christian M. Arellano.
Namahagi rin ng grafted rambutan mula sa pondo ng lokal na pamahalaan ng Tiaong, Quezon sa pangunguna ni Hon. Jonas Bryson R. Atienza sa mga dumalong magsasaka.
#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether





Comments
Post a Comment