Posts

Showing posts from April, 2025
Image
𝐓𝐈𝐀𝐎𝐍𝐆 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑𝐒 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑𝐋𝐘 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 April 29, 2025 | TIAONG, QUEZON – Dinaluhan ng mga pangulo ng iba’t-ibang samahan ng mga magsasaka sa bayan ng Tiaong ang quarterly meeting kahapon sa Brgy. Cabatang kasama si MAFC Chairperson Jose G. Parlade. Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang gaganaping Araw ng Pamilyang Magsasaka sa buwan ng Mayo para sa paghahanda sa nalalapit na “Cocolympics” na bahagi ng selebrasyon ng Niyogyugan Festival sa buwan ng Agosto. Pinangunahan ito ni Municipal Agriculturist, Gng. Zenaida V. Amargo kasama ang mga tekniko ng opisina. Kasama rin sa mga tinalakay ang katatayuan ng bayan ng Tiaong sa African Swine Fever (ASF), pagsasanay sa banana wine processing, at ang mga aktibidad para sa ikalawang edisyon ng “Pig Summit” sa buwan ng Nobyembre. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Image
𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐘𝐎𝐔𝐍𝐆 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐈𝐍 𝐓𝐀𝐈𝐖𝐀𝐍 (𝐅𝐘𝐅𝐈𝐏𝐓) 𝟐𝟎𝟐𝟓 Nag-courtesy call ang dalawang Youth Interns ng Filipino Young Farmer Internship Program in Taiwan (FYFIPT) 2025 na sina Mr. Prince Julius N. Villaverde at Mr. Paul Andrew V. Pasciolco sa opisina ni Mayor Vincent Arjay M. Mea. Napag-usapan sa pagbisita ang layunin ng programa ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) para sa mga kabataang nais pasukin ang agrikultura bilang paraan ng hanapbuhay at business sa makabagong panahon. Nagbigay ng suporta si Mayor Mea sa dalawang youth interns na nakapasok sa programa ng DA-ATI. Sa halos limampung matagumpay na kabataang nakapasok mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa,  dalawa sa tatlong kabataan sa rehiyon CALABARZON ay galing sa Tiaong, Quezon. Tatagal ang internship program ng labing-isang buwan at inaasahang maibabahagi nila ang kanilang matututunan sa kanilang bayan. Pagbati mula sa Munici...