𝐓𝐈𝐀𝐎𝐍𝐆
𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑𝐒 𝐅𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑𝐋𝐘
𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆
April 29, 2025 | TIAONG, QUEZON – Dinaluhan ng mga pangulo ng iba’t-ibang samahan ng mga magsasaka sa bayan ng Tiaong ang quarterly meeting kahapon sa Brgy. Cabatang kasama si MAFC Chairperson Jose G. Parlade.
Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang gaganaping Araw ng Pamilyang Magsasaka sa buwan ng Mayo para sa paghahanda sa nalalapit na “Cocolympics” na bahagi ng selebrasyon ng Niyogyugan Festival sa buwan ng Agosto. Pinangunahan ito ni Municipal Agriculturist, Gng. Zenaida V. Amargo kasama ang mga tekniko ng opisina.
Kasama rin sa mga tinalakay ang katatayuan ng bayan ng Tiaong sa African Swine Fever (ASF), pagsasanay sa banana wine processing, at ang mga aktibidad para sa ikalawang edisyon ng “Pig Summit” sa buwan ng Nobyembre.
#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether






Comments
Post a Comment