𝐅𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐘𝐎𝐔𝐍𝐆 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐈𝐍 𝐓𝐀𝐈𝐖𝐀𝐍 (𝐅𝐘𝐅𝐈𝐏𝐓) 𝟐𝟎𝟐𝟓

Nag-courtesy call ang dalawang Youth Interns ng Filipino Young Farmer Internship Program in Taiwan (FYFIPT) 2025 na sina Mr. Prince Julius N. Villaverde at Mr. Paul Andrew V. Pasciolco sa opisina ni Mayor Vincent Arjay M. Mea.

Napag-usapan sa pagbisita ang layunin ng programa ng Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) para sa mga kabataang nais pasukin ang agrikultura bilang paraan ng hanapbuhay at business sa makabagong panahon.

Nagbigay ng suporta si Mayor Mea sa dalawang youth interns na nakapasok sa programa ng DA-ATI. Sa halos limampung matagumpay na kabataang nakapasok mula sa iba't-ibang bahagi ng bansa, dalawa sa tatlong kabataan sa rehiyon CALABARZON ay galing sa Tiaong, Quezon. Tatagal ang internship program ng labing-isang buwan at inaasahang maibabahagi nila ang kanilang matututunan sa kanilang bayan.

Pagbati mula sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon. Hangad namin ang inyong tagumpay!

#FYFIPT #FilipinoYoungFarmerInternshipPrograminTaiwan #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether



Comments

Popular posts from this blog