Posts

Showing posts from February, 2026
Image
𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍! "𝘈𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘬𝘶𝘯𝘢𝘥𝘰, 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘵𝘢𝘥𝘰. 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘢𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰." Nakapagtala ang buwan ng Pebrero ng mataas na datos na nabakunahan laban sa sakit na rabies mula sa iba't-ibang barangay na may kabuuang 3,590 alagang aso at pusa para sa 1,615 na pet owners. Layunin ng massive anti-rabies vaccination na masigurado na lahat ng alagang aso at pusa ay bakunado upang makaiwas sa sakit na rabies. Ito ay isinasagawa kada araw ng Martes at Huwebes sa iba't-ibang barangay. Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Tiaong sa pangunguna ni Municipal Mayor Vincent Arjay M. Mea at ang Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon sa mga miyembro ng sangguniang barangay sa pangunguna ng kanilang mga Kapitan na nakiisa sa aming adhikain na mabawasan ang paglaganap ng rabies sa ating bayan. Para sa mga detalye ng mga susunod pang schedule, mangyaring tingnan ang...
Image
𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 February 10, 2026 | TIAONG, QUEZON – Nakapagtala ang Brgy. Lusacan nang pinakamaraming nabakunahang aso't-pusa laban sa rabies mula nang simulan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon ang programa para sa malawakang anti-rabies vaccination sa buong bayan ng Tiaong. Mahigit 400 pet owners ang nakiisa sa aktibidad na ito kung saan 653 na aso at 416 na pusa na may kabuuang 1,069 ang naturukan laban sa rabies. Layunin ng gawaing ito na maturukan ang lahat ng alagang aso’t pusa sa buong bayan ng Tiaong upang maiwasan ang paglaganap ng rabies. Ang gawaing ito ay sa direktiba ng Local Government Unit ng Tiaong sa pangunguna ni Mayor Vincent Arjay M. Mea sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon. Nagpapasalamat ang MAO Tiaong sa buong Sangguniang Barangay ng Lusacan na nakiisa sa aming adhikain na mabawasan ang paglaganap ng rabies sa ating bayan. #AntiRabiesVaccination #MAOTiaongQ...
Image
𝐏𝐂𝐈𝐂 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐌𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 February 9, 2026 | TIAONG, QUEZON – Nagkakahalagang ₱715,525.00 indemnity checks ang ipinamahagi sa 78 na magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 4 Extension Office – Lucena City. Ito ay bayad pinsala para sa mga pananim na nasira dulot ng mga nagdaang kalamidad at pagkamatay ng mga alagang hayop dulot ng iba’t-ibang dahilan. Layunin ng programang ito na mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka para matiyak ang sapat at angkop na suporta sa panahon ng kanilang pangangailangan tungo sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at pagtaas ng kita. #PCICIndemnityChecksDistribution #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #TIAONGStrongerTogether