𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍!

"𝘈𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘬𝘶𝘯𝘢𝘥𝘰, 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘵𝘢𝘥𝘰. 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘢𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰."

Nakapagtala ang buwan ng Pebrero ng mataas na datos na nabakunahan laban sa sakit na rabies mula sa iba't-ibang barangay na may kabuuang 3,590 alagang aso at pusa para sa 1,615 na pet owners.

Layunin ng massive anti-rabies vaccination na masigurado na lahat ng alagang aso at pusa ay bakunado upang makaiwas sa sakit na rabies. Ito ay isinasagawa kada araw ng Martes at Huwebes sa iba't-ibang barangay.

Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Tiaong sa pangunguna ni Municipal Mayor Vincent Arjay M. Mea at ang Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon sa mga miyembro ng sangguniang barangay sa pangunguna ng kanilang mga Kapitan na nakiisa sa aming adhikain na mabawasan ang paglaganap ng rabies sa ating bayan.

Para sa mga detalye ng mga susunod pang schedule, mangyaring tingnan ang link na ito: https://tinyurl.com/marv-2026-tiaong-schedule

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring sumangguni sa inyong barangay. Maraming salamat po!

#AntiRabiesVaccination #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #TIAONGStrongerTogether








Comments

Popular posts from this blog