𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍

February 10, 2026 | TIAONG, QUEZON – Nakapagtala ang Brgy. Lusacan nang pinakamaraming nabakunahang aso't-pusa laban sa rabies mula nang simulan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon ang programa para sa malawakang anti-rabies vaccination sa buong bayan ng Tiaong. Mahigit 400 pet owners ang nakiisa sa aktibidad na ito kung saan 653 na aso at 416 na pusa na may kabuuang 1,069 ang naturukan laban sa rabies.

Layunin ng gawaing ito na maturukan ang lahat ng alagang aso’t pusa sa buong bayan ng Tiaong upang maiwasan ang paglaganap ng rabies. Ang gawaing ito ay sa direktiba ng Local Government Unit ng Tiaong sa pangunguna ni Mayor Vincent Arjay M. Mea sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon.

Nagpapasalamat ang MAO Tiaong sa buong Sangguniang Barangay ng Lusacan na nakiisa sa aming adhikain na mabawasan ang paglaganap ng rabies sa ating bayan.

#AntiRabiesVaccination #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #TIAONGStrongerTogether












Comments

Popular posts from this blog