𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 "𝘈𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘬𝘶𝘯𝘢𝘥𝘰, 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘺 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘵𝘢𝘥𝘰. 𝘒𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘢𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯, 𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰." Bilang parte ng pagdiriwang ng “𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡” ngayong buong buwan ng Marso na may temang "𝙍𝙖𝙗𝙞𝙚𝙨-𝙁𝙧𝙚𝙚 𝙣𝙖 𝙋𝙪𝙨𝙖’𝙩 𝘼𝙨𝙤, 𝙆𝙖𝙡𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤", nakiisa ang Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon sa pamamagitan ng malawakang anti-rabies program campaign sa buong bayan ng Tiaong, Quezon. Nakapagtala ng mataas na datos na nabakunahan laban sa rabies mula sa iba't-ibang barangay na may kabuuang bilang na 𝟏,𝟗𝟔𝟐 alagang aso at pusa para sa 𝟏,𝟎𝟕𝟑 na pet owners. Layunin ng massive anti-rabies vaccination na masigurado na lahat ng alagang aso at pusa ay bakunado upang makaiwas sa sakit na rabies. Ito ay isinasagawa kada araw ng Martes at Huwebes sa iba't-ibang barangay. N...