𝐏𝐂𝐈𝐂
𝐈𝐍𝐃𝐄𝐌𝐍𝐈𝐓𝐘
𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍
March
24, 2026 | TIAONG, QUEZON – Nagkakahalagang ₱185,854.00 indemnity checks ang
ipinamahagi sa 21 na magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation
(PCIC) Region 4 Extension Office – Lucena City sa pamamagitan ni Ms. Aljane
Mharu E. Oabel. Ito ay bayad pinsala para sa mga pananim na nasira dulot ng mga
nagdaang kalamidad at pagkamatay ng mga alagang hayop dulot ng iba’t-ibang
dahilan.
Dinaluhan
ni Kon. Jonas Bryson R. Atienza, Municipal Councilor at Kometiba sa Agrikultura
ang pamimigay ng tseke sa mga magsasaka sa bayan ng Tiaong, Quezon. Layunin ng
programang ito na mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka para matiyak ang
sapat at angkop na suporta sa panahon ng kanilang pangangailangan tungo sa
pag-unlad ng kanilang kabuhayan at pagtaas ng kita.
#PCICIndemnityChecksDistribution
#MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #TIAONGStrongerTogether







Comments
Post a Comment