𝐌𝐀𝐒𝐒
𝐀𝐍𝐓𝐈-𝐑𝐀𝐁𝐈𝐄𝐒
𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍
"𝘈𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨
𝘣𝘢𝘬𝘶𝘯𝘢𝘥𝘰, 𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯
𝘢𝘺 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘵𝘢𝘥𝘰.
𝘒𝘢𝘱𝘢𝘨 𝘮𝘢𝘺 𝘢𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯,
𝘴𝘪𝘨𝘶𝘳𝘢𝘥𝘰."
Bilang
parte ng pagdiriwang ng “𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬
𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬
𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡” ngayong buong buwan ng Marso na
may temang "𝙍𝙖𝙗𝙞𝙚𝙨-𝙁𝙧𝙚𝙚
𝙣𝙖 𝙋𝙪𝙨𝙖’𝙩 𝘼𝙨𝙤,
𝙆𝙖𝙡𝙞𝙜𝙩𝙖𝙨𝙖𝙣
𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮𝙖𝙣𝙜
𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤",
nakiisa ang Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon sa
pamamagitan ng malawakang anti-rabies program campaign sa buong bayan ng
Tiaong, Quezon.
Nakapagtala
ng mataas na datos na nabakunahan laban sa rabies mula sa iba't-ibang barangay
na may kabuuang bilang na 𝟏,𝟗𝟔𝟐 alagang aso at
pusa para sa 𝟏,𝟎𝟕𝟑 na pet owners.
Layunin
ng massive anti-rabies vaccination na masigurado na lahat ng alagang aso at
pusa ay bakunado upang makaiwas sa sakit na rabies. Ito ay isinasagawa kada
araw ng Martes at Huwebes sa iba't-ibang barangay.
Nagpapasalamat
ang lokal na pamahalaan ng Tiaong sa pangunguna ni Municipal Mayor Vincent
Arjay M. Mea at ang Municipal Agriculture Office - FITS Center Tiaong, Quezon sa
mga miyembro ng sangguniang barangay sa pangunguna ng kanilang mga Kapitan kasama
ang mga barangay konsehal na nakiisa sa aming adhikaing mabawasan ang
paglaganap ng rabies sa ating bayan.
Para sa iba pang impormasyon, mangyaring sumangguni sa inyong barangay. Maraming salamat po!
#AntiRabiesVaccination #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #TIAONGStrongerTogether








Comments
Post a Comment