Posts

Image
𝐅𝐀𝐑𝐌 𝐓𝐎𝐔𝐑 𝐎𝐍 𝐌𝐔𝐒𝐇𝐑𝐎𝐎𝐌 𝐏𝐑𝐎𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 November 4, 2024 | TIAONG, QUEZON – Ikinagalak ng mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) mula sa Brgy. San Francisco at Paiisa ang ginanap na hands-on demonstration sa pagtatanim ng tissue ng kabute gamit ang iba't-ibang media at teknolohiya sa pagpaparami nito. Pinangunahan ni Ms. Rhona M. Lorena mula sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon ang pagsasanay. Tinalakay naman ni Ms. Alma J. Caringal, SLSU – Tiaong Campus Director ang kahalagahan ng tamang packaging at labeling ng mga produkto. Isa sa mga naging halimbawa ay ang mushroom chili oil na ipinagmamalaki ng unibersidad bilang isang lokal na produkto. Matapos nito, binisita ng grupo ang mushroom growing house ni Mr. Edwin Baladad, isang kilalang mushroom grower sa Sariaya, Quezon. Sa pamamagitan nang pagbabahagi nya ng kanyang karanasan sa larangan ng kabutehan, mas natuto pa ang mga kalahok tungkol sa makabagong teknolohiya at pamamar
Image
𝐅𝐀𝐑𝐌 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐈𝐍 𝐑𝐈𝐂𝐄 October 18, 2024 – present | TIAONG, QUEZON – Matagumpay na inilunsad ang Farm Business School in Rice sa Municipal Town Plaza na dinaluhan ng mga pangulo, sekretarya, at ingat-yaman mula sa 21 asosasyon ng mga magpapalay sa Tiaong, Quezon. Isa sa mga panauhin ay si OIC-Chief, Mr. Jan Oliver M. Sarmiento mula sa Agricultural Program Coordinating Officer (APCO-Quezon) kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Pambayan (Hon. Jonas Bryson R. Atienza – Konsehal Takda sa Agrikultura, Hon. Maja Escueta, at Hon. Tom P. Ilao). Nagbahagi ng mahahalagang mensahe ang mga panauhin at isinagawa rin ang iba't-ibang aktibidad upang maunawaan ang damdamin ng mga kalahok. Kasama rito ang isang pre-test para masuri ang kaalaman ng mga magsasaka. Layunin ng pagsasanay na mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka upang maging mas epektibo at handa sa mga hamon ng makabagong agrikultura partikular sa pagsasaka ng palay. Katuwang sa pagsasanay
Image
𝐊𝐀𝐁𝐔𝐓𝐄 𝐀𝐓 𝐏𝐔𝐊𝐘𝐔𝐓𝐀𝐍: 𝐀 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐋𝐈𝐇𝐎𝐎𝐃 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐅𝐎𝐑 𝐅𝐀𝐑𝐌𝐄𝐑 𝐀𝐒𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐈𝐍 𝐓𝐈𝐀𝐎𝐍𝐆, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 November 26, 2024 | TIAONG, QUEZON – Sa tuloy-tuloy na pagtutulungan ng Southern Luzon State University – Tiaong Campus at  Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon , naisakatuparan ang proyektong  Kabute at Pukyutan: A Livelihood Program for Farmer Associations  na pinondohan ng SLSU   –   Tiaong upang mas lubos pang makapagbigay ng karagdagang pagkakakitaan sa mga samahan ng kababaihan sa Tiaong, Quezon. Bahagi ng proyekto ang pagsasanay sa produksyon ng kabute at stingless bee. Nagsilbing tagapagsanay si Ms. Rhona M. Lorena, Agricultural Technologist mula sa Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa pagpatubo ng oyster mushroom, habang ang produksyon ng stingless bee ay tinalakay naman ni Mr. Roy S. Dayo, Instructor ng SLSU – Tiaong Campus at Apiculture Project Leader. Ibinahagi rin ni Ms. Alma J.
Image
𝐅𝐋𝐀𝐆 𝐑𝐀𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 & 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐏𝐂𝐈𝐂 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐌𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐂𝐇𝐄𝐐𝐔𝐄𝐒 Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon ang lingguhang pagdaraos ng flag raising ceremony nitong Lunes, Oktubre 14, 2024. Iniulat ni Municipal Agriculturist, Ms. Zenaida V. Amargo ang lahat ng proyekto at programa ng Tanggapan ng Pambayang Pagsasaka mula Mayo hanggang Oktubre ngayong taon na nakatuon para sa ikauunlad ng mga magsasaka.   Kaalinsabay nito, ipimahagi rin ang mga cheke para sa anim-napu’t dalawang (62) apektadong magsasaka ng mga nakalipas na kalamidad na may kabuuang halagang P457,043.00. Kasama sa nasabing pamamahagi sina Ms. Aljane Mharu E. Oabel mula sa Philippine Crop Insurance Corporation – Extension Office (PCIC PEO Lucena), Kon. Jonas Bryson R. Atienza – Kometiba sa Agrikultura, at Municipal Vice Mayor, Kgg. Roderick A. Umali. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogethe