Posts

Showing posts from January, 2025
Image
𝐏𝐂𝐈𝐂 𝐈𝐍𝐃𝐄𝐌𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐂𝐇𝐄𝐂𝐊𝐒 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 January 30, 2025 | TIAONG, QUEZON – Nagkakahalagang ₱1,093,336.64 indemnity checks ang ipinamahagi sa 106 na magsasaka mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 4 Extension Office (EO) – Lucena City. Ito ay bayad pinsala para sa mga pananim na nasira dulot ng mga nagdaang kalamidad at pagkamatay ng mga alagang baboy na dulot ng African Swine Fever (ASF) at iba pang mga sakit. Ang programa ay pinangunahan ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa ilalim ng direktiba ni Mayor Vincent Arjay M. Mea. Ito ay pormal na dinaluhan ni Vice Mayor Roderick A. Umali, Hon. Jonas Bryson R. Atienza, Kon. Maja Escueta, Kon. Eula P. Lopez, at SK Federation President, Hon. Kenneth Obispo. Nagbigay rin ng kanyang mensahe at paalaala sa mga nagpapaseguro si Ms. Aljane Mharu E. Oabel mula sa PCIC Region 4 EO – Lucena City. Layunin ng programang ito na mapanatili ang kabuhayan ng mga magsasaka para...
Image
𝐆𝐑𝐀𝐃𝐔𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 𝐎𝐍 𝐅𝐁𝐒 𝐈𝐍 𝐑𝐈𝐂𝐄 January 27, 2025 | TIAONG, QUEZON - The inaugural Farm Business School in Rice Graduation Ceremony was successfully held at Tiaong Town Plaza on Monday, January 27, 2025. The event, organized by the Municipal Agriculture Office - FITS Tiaong Center, celebrated the graduation of 24 participants. The season-long training program, launched on October 18, 2024, comprised six sessions covering 25 topics. Sessions were conducted every Friday at 1:00 PM and were attended by officers of the Rice Farmers Association from Tiaong, Quezon. The ceremony began with an opening message from Municipal Agriculturist Ms. Zenaida V. Amargo, followed by messages from Municipal Vice Mayor Hon. Roderick Umali. He was joined by Municipal Councilors, led by Hon. Jonas Bryson Atienza, Committee on Agriculture, along with Hon. Rex Bautista, Hon. Rec Rec Baldeo, and Hon. Tom P. Ilao. The Municipal Agriculture Office  would like to  exp...
Image
𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐈𝐄𝐂 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐑𝐈𝐀𝐋𝐒 January 22, 2025 | TIAONG, QUEZON – Kaalinsabay nang pamimigay ng mga kagamitang pansakahan noong nakaraang Linggo, nabigyan din ang mga dumalong magsasaka ng mga IEC Materials para sa karagdagang kaalaman patungkol sa pagsasaka, paghahalaman, tamang pag-aalaga ng mga hayop, at iba pang paksa na may kinalaman sa agrikultura. #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether
Image
𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐀𝐆𝐑𝐈𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐕𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 January 22, 2025 | TIAONG, QUEZON – Mahigit isang milyong (1M) pisong halaga ng mga proyekto ang naipaabot sa mahigit 300 magsasaka sa bayan ng Tiaong nitong nakaraang Linggo. Ang pamimigay ng mga kagamitan sa sakahan tulad ng binhi, abono, pataba, at ilang gamit para sa cassava food processing at bigas ay dinaluhan ng mga konsehal ng bayan sa pangunguna ni Hon. Jonas Bryson R. Atienza, Hon. Maja Escueta, at Hon. Tom P. Ilao. Kasama rin si Municipal Executive Assistant, Sir Diego Mea sa nasabing distribution. Sa kasabay na programa, ipinakilala rin ang mga benepisyaryo ng Adopt-A-Farmer Program sa buong bayan na inisyatibo ng Municipal Agriculture Office – FITS Center Tiaong, Quezon sa pakikipagtulungan ng opisina ni Mayor Vincent Arjay M. Mea, Vice Mayor Roderick A. Umali at ng Sangguniang Bayan. Nabigyan sila ng mga karagdagang abono, pataba, at iba pang kagamitan sa pagsasaka. Layunin ng programa...
Image
𝐌𝐀𝐅𝐂 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 January 20, 2025 | TIAONG, QUEZON – Ginanap ang unang pagpupulong ng mga miyembro ng Municipal Agricultural and Fishery Council o MAFC nito lamang Lunes. Napag-usapan ang mga naging proyekto at programa para sa bawat commodity ng mga magsasaka sa bayan ng Tiaong noong nakaraang taon. Inilatag sa pagpupulong ang mga gampanin ng bawat miyembro para sa ikauunlad nang pagsasaka sa bayan ng Tiaong. Dinaluhan ang pagpupulong ng mga pangulo ng farmers association sa pangunguna ni MAFC Chairperson Jose G. Parlade at Municipal Councilor, Committee on Agriculture Hon. Jonas Bryson R. Atienza. #MAFCMeeting #MAOTiaongQuezon #FITSCenterTiaong #MEAksyonAgad #LetsMakeTiaongStrongerTogether